Nanganganib na magsara ang marami pang hotel sa bansa o magbawas ng mga empleyado nito.
Ito ang inihayag ng Philippine Hotel Owners Association Inc. (PHOAI) dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Art Lopez, Presidente ng PHOAI, malaki na ang nalulugi sa industriya ng hotel sa bansa simula ng magkaroon ng lockdown at restrictions sa pagbyahe noong Marso.
Ani Lopez mauuwi sa pagbabawas ng mga empleyado ang mga hotel dahil hindi nito kakayanin na magpasweldo ng mga tao gayung wala halos dumarating na guest.
Una rito napaulat na ang pagsasara ng Marco Polo Davao at ang nakatakdang pagtatanggal ng nasa 1,000 empleyado ng Okada Manila dahil sa krisis bunsod ng pandemya.