Walo sa bawat 10 Pilipino ang naniniwalang nakikinabang ang bansa sa pagiging miyembro nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito ay batay sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) nuong Disyembre 8 hanggang 16 ng nakaraang taon sa 1,200 respondents.
Lumabas sa nasabing survey na 79 na porsyento ng mga Pinoy ang nagsasabing maraming benepisyo ang pagiging isang bansa sa ASEAN.
Tatlong porsyento naman ang nagsabing walang nakukuha sa pagiging miyembro ng Pilipinas habang dalawang porsyento naman ang hindi pamilyar o kailanman ay hindi pa narinig ang tungkol sa ASEAN.