Binaha ang maraming lugar sa lalawigan ng Leyte dahil sa bagyong Agaton.
Dahil dito, ipinabatid ng local officials na pahirapan ang transportasyon sa Baybay City.
Binaha rin ang isang barangay sa Tacloban City at ilang bahagi ng maharlika highway sa bayan ng Palo.
Hindi pa man nakakabawi sa delubyong idinulot ng bagyong Urduja, binaha na naman ang munisipalidad ng Kawayan sa Biliran dahil sa bagyong Agaton na nakaapekto rin sa Tucdao National High School at ilang residential houses.
Nai-evacuate na ang mga residente ng kawayan na nakatira malapit sa spillway.
Marami pa ring pasahero ang stranded sa Ormoc City Port gayundin sa mga pantalan ng Real, Atimonan, Dinahican, Infanta at Gumaca.
—-