Sigurado raw na maraming magtataas ng kilay hinggil sa pagtatalaga kay NCRPO Chief, Police General Debold Sinas bilang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Senador Win Gatchalian, bagama’t nagkaruon ng isyu noon kay Sinas dahil sa pagsasagawa ng kontrobersyal na mañanita, dapat pa rin aniyang magpakita ng sensiridad si Sinas sa patuloy na paglilinis ng hanay ng pulisya.
Binigyang diin pa ni Gatchalian, dapat magpakita ng magandang halimbawa si Sinas sa lahat ng oras, para maging mabuting ehemplo ito sa kanyang mga tauhan.
Sa huli, ani Gatchalian, ang pag-upo ni sinas bilang susunod na PNP chief ay pagkakataon nito para ipakita niya sa publiko na siya’y karapat-dapat sa posisyon na may puso sa pagsisilbi sa bayan.