Walang rason ang Pilipinas na hindi magpadala ng ambassador sa Estados Unidos liban na lamang kung may mensaheng nais iparating si Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Donald Trump.
Ayon kay dating Philippine Permanent Ambassador to United Nations at dating Foreign Affairs Undersecretary Lauro Baja, maraming mawawala sa Pilipinas kung ipauubaya na lamang nito ang diplomatic concerns sa chargé d’affaires o diplomat na mangangasiwa sa embahada kapag walang embahador.
Kung wala anyang regular na kinatawan ang Pilipinas sa Washington ay nangangahulugan itong ang representasyon ng bansa ay “second-tier level” lamang dahil mayroon lamang limitadong access sa host government ang chargé d’affaires.
Simula nang matapos ang panunungkulan ni Jose Cuisia Jr. bilang Philippine Ambassador to US, mahigit pitong buwan ng walang kinatawan ang Pilipinas sa Washington.
By Drew Nacino