Bagama’t hindi nagkulang ng paalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga botante na magparehistro, marami pa ring botante sa mga lalawigan ng Albay at Laguna ang bigo pa ring makapagpatala.
Ayon sa COMELEC Albay, 6,000 lamang ang nagpa-biometrics nitong nakalipas na Sabado mula sa 47,000 na hindi nag-update ng kanilang rehistro.
Sa kabila ng maghapong paghihintay sa mga COMELEC offices, marami pa rin ang bigong makapagparehistro dahil sa hanggang 300 lamang ang kaya ng sistema.
Samantala, ayon naman sa COMELEC Laguna, tinataya namang nasa 35,000 mula sa 1.6 na milyong botante ang hindi rehistrado sa lalawigan ng Laguna habang 20,000 sa mga ito ang hindi kumpleto ang kanilang biometrics.
By Jaymark Dagala