Ibinunyag ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na marami sa mga opisyal ng barangay ang sangkot din sa iligal na droga
Ito’y ayon kay Guanzon ang dahilan kaya’t hindi dapat ipagpaliban ang pagdaraos ng barangay elections sa Oktubre
Malinaw aniya ang isinasaad ng Saligang Batas na dapat idaos ang halalang pambarangay sa Oktubre kaya’t dapat nila itong gampanan
Napapanahon din ito ayon kay Guanzon dahil sa pag-upo ng bagong Pangulo ng bansa kaya’t dapat na ring magbago ang mga namumuno sa barangay
Ginawa ni Guanzon ang pahayag bilang pagkontra sa mungkahi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na ipagpaliban ang barangay elections na aniya’y sumasalamin lamang sa personal nitong pananaw at hindi ng En Banc
By: Jaymark Dagala