Mayorya ng mga Pilipino ang patuloy na nagtitiwala at nasisiyahan sa performance ng Philippine National Police.
Batay ito sa 2023 first-quarter survey na ginawa ng OCTA research, kung saan lumabas na 8 sa 10 Pinoy ang nagsabing tiwala sila sa pambansang pulisya.
Nakakuha ng 89% na trust rating ang PNP sa Visayas at Mindanao habang 67% naman sa National Capital Region.
Sa performance rating, 79% ng mga Pinoy ang nagsabing ‘satisfied’ sila sa PNP; 6% ang ‘dissatisfied’ at 15% naman ang nagsabing hindi nila matukoy kung satisfied o dissatisfied sila sa PNP.
Isinagawa ang nationwide poll mula March 24 hanggang 28 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults.