Maraming Pilipino pa rin ang takot magpabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito, ayon sa Department of Health (DOH), ay matapos magsagawa ng survey ang ahensya upang alamin ang pulso ng publiko sa COVID-19 vaccine.
Lumabas sa naturang survey na isa sa mga dahilan kung bakit ayaw magpabakuna ng publiko ay dahil sa takot at magiging epekto nito sa katawan o tinatawag na adverse effects.
Bukod dito, iniisip rin ng karamihan na hindi epektibo ang bakuna kontra COVID-19.
Habang ang iba naman ay dahil sa mga negatibong impormasyon na naririnig tungkol sa bakuna.
Ipinabatid ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, mahigit 40,000 ang naging responder nila sa naturang survey kung saan ito ang naging batayan nila sa kanilang information dissemination.