Maraming Pilipino ang nanganganib sa sandaling tumama ang bagyong Soudelor sa Taiwan.
Ayon kay Ellen dela Cruz, isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taiwan, maraming Pilipino sa probinsya ng Wallen kung saan sinasabing tatama ang bagyo ng Soudelor.
Ang probinsiya aniya ng Wallen ay bulubundukin kaya’t madalas mayroong napapaulat na landslides kapag may bagyo.
“Kung sa bandang Wallen doon po talaga katabi po ng bundok, doon po talaga pinapalikas ang tao dahil sa landslides at flashfloods, marami din pong factories at caretakers diyan, diyan po ang pinakamalalakas, diyan po ang nagla-landslide, ‘diyan po yung maraming namamatay.” Pahayag ni Cruz.
By Len Aguirre | Ratsada Balita