Maraming probisyon sa water concessionaire agreement ang labag sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Ito ang dahilan ni Senador Francis Tolentino kaya isinusulong niyang siyasatin ng Senado ang naturang kasunduan ng gobyerno, Manila Water at Maynilad.
Ayon kay Tolentino, halimbawa nito ay ang pagbayarin ang gobyerno sa oras na malugi ang nasabing mga water company at iba pa.
Aniya, hindi maaring palampasin ang ganito lalo pa’t tubig ang siyang pinag-uusapan dito na pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
Napakaraming probisyon na kapag nakita mo magugulat ka, kagaya noong nawalan ng tubig, mayroong 24-oras bago sila magresponde, at ‘pag nagreklamo naman an gating taongbayan tungkol sa mga remedial works –halimbawa sa mga tubo, ay mayroon silang 60 days bago umakto, edi ibig sabihin po, dalawang buwan iyon. At hindi lang po ‘yon, napakarami, ‘pag sila po ‘yung nalugi, kailangang bayaran ng gobyerno,” ani Tolentino. —sa panayam ng Ratsada Balita