Nanganganib umanong mawala ang maraming trabaho at negosyo sa bansa kapag hindi natugunan ng gobyerno ang mga isyung inilabas ng European Union Parliament Resolution.
Ito ay ayon sa Associated Labor Unions (ALU) kung saan, partikular anila rito ang panawagang pagrepaso sa tariff incentives na pinalawak ng union sa export products sa bansa.
Ito’y sa kabila ng paratang ng pang-aabuso raw ng pamahalaan sa human and labor rights, environmental protection at magandang pamamahala.
Ayon kay Gerard Seno, national executive vice president ng ALU, mula noong Disyembre ng taong 2014, tinatamasa na ng Pilipinas ang zero tariff sa 6, 274 na mga produkto sa EU market.
Ilan sa mga produktong ito ay ang pinya, mangga tuna, gulay, mani, kape, cacao at furniture.
Batay sa Department of Trade and Industry, ang pagkakaloob ng gsp + tariff-free export noong 2014 ay nagpataas ng export ng Pilipinas sa EU ng 35% at lumikha ng 200,000 pang mga trabaho.