Asahan na ang mas marami pang trabaho para sa mga Pilipino sa Canada.
Kasunod na rin ito nang paglagda ng DOLE sa isang kasunduan sa local government ng Yukon sa pangangasiwa ng trabaho para sa mga Pinoy workers sa ilalim ng Yukon Nominee Program.
Nakasaad sa kasunduan na ang mga employer at kanilang agent tulad ng immigration consultants ay pinagbabawalang maningil para sa recruitment services at selection na kaagad sisimulan sa sandaling maikasa na ang implementing guidelines hinggil sa kasunduan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, napag-usapan na ang Memorandum of Understanding (MOU) nuon pang 2019 at tuluyang naselyuhan matapos igiit ng Joint Communique ang pangangailangang palakasin ang relasyon ng dalawang partido.
Tinataya ng DOLE na nasa limang libong Pinoy ang nasa Yukon at karamihan sa mga ito ay permanent residents na o Canadian citizens.