Marapat lamang umanong mapalaya na si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo mula sa halos 4 na taong pagkakulong nito sa pamamagitan ng Hospital Arrest.
Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvado Panelo matapos ilabas ng Korte Suprema ang desisyong nagbabasura sa kasong plunder ni Ginang Arroyo.
Sinabi ni Panelo na panahon na para makalabas mula sa Veterans Memorial Medical Center ang Dating Pangulo dahil nakalabas na mula sa pagkakulong lahat ng kapwa akusado nito.
Iginiit ng Kalihim na malinaw na Conspiracy at Charge ang ginawa kay Ginang Arroyo dahil hindi napatunayan ng mga nag-akusa ang bintang na pandarambong.
May kinalaman sa maling paggamit umano sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office na nagkakahalaga ng 366 Million Pesos ang kasong Plunder laban kay Ginang Arroyo.
By: Avee Devierte