Asahan na magiging maulap na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Luzon area maliban na lang sa bahagi ng Bicol region.
Maulap naman na may kalat-kalat na pag-ulan sa buong bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa patuloy na lumalapit ang Low Pressure Area (LPA) na posibleng tumama sa silangang bahagi ng Mindanao ngayong araw.
Habang magiging maaliwalas naman ang panahon na may pulu-pulong mga mahihinang pag-ulan sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23 hanggang 31 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:25 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:51 ng hapon.— sa panulat ni Angelica Doctolero