Gumulong na ang marathon plenary deliberation ng Senado kaugnay sa 3.350 trillion peso 2017 proposed national budget.
Sinabi ni Senate Finance Committee Chair Loren Legarda na tututukan nila ang 2017 budget ngayong Linggo para malagdaan na ito ng Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang 2016.
Inamin ni Legarda na ang panukalang 2017 budget ang pinakamalaking proposed budget dahil kailangang mapunan ang pangangailangan sa long term solutions na isinusulong ng Duterte administration.
Ipinaalala naman ni Legarda na dapat gastusin ang pondo sa tama at kailangang paggugulan nito.
Hindi naman aniya tamang tipirin ang pondo kung hindi naman natutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
By Judith Larino
Photo Credit: @loren_legarda / Twitter