Umarangkada na ang marathon hearing para sa panukalang P4.1-trillion national budget sa 2020.
Nagsimula ang deliberasyon sa pamamagitan ng briefing mula sa development budget coordination committee na syang bumuo ng panukala.
Hiniling ni Cong. Isidro Ungab, chairman ng komite, sa mga kapwa mambaatas na gawing priority ang pagpasa sa panukalang budget upang hindi na maulit ang delay na nangyari sa 2019 national budget.
Matatandaan na re-enacted budget ang ginamit sa unang ilang buwan ng 2019 dahil sa kabiguan ng kongreso na ipasa ang budget.
Sinasabing ito ang naging dahilan kayat humina ang ekonomiya sa unang bahagi ng taon.