Nanawagan na si Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa pagbawi sa idineklarang martial law sa Mindanao matapos ang paglaya ng lungsod sa kamay ng ISIS-Maute.
Ayon kay Dela Peña, kung idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi ay dapat na ring alisin ang batas militar sa lalong madaling panahon.
Gayunman, aminado ang obispo na dapat bigyan din ng panahon ang gobyerno para makapagpasya kung dapat panatilihin ang martial law sa Mindanao lalo’t kung makatutulong sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Samantala, pinapurihan ni Dela Peña ang diyos dahil sa pagtatapos ng halos limang buwang kaguluhan sa lungsod.