Halos dalawang linggo nang tahimik sa alingawngaw ng baril ang Marawi City.
Ayon kay Major General Restituto Padilla, spokesman ng Armed Forces of the Philippines o AFP, huling nagkaroon ng bakbakan sa Marawi noong Nobyembre 5, kung saan nasawi ang siyam na miyembro ng Maute – ISIS na hinihinala nilang panghuli na sa mga natitira at nagtatago pang terorista sa main battle area.
Sa pagpapatuloy anya ng clearing operations, labing anim (16) pang hindi sumabog na bomba ang kanilang narekober at ilang matataas na uri ng armas.
Tiniyak ni Padilla na hindi titigil ang paglilinis nila sa main battle area hangga’t hindi sila nakukumbinsi na malinis na sa anumang uri ng panganib ang lugar.
This has been the last and that is why recently there has been an announcement that we no longer send or monitor any sign of life in the last main battle areas but the clearing will continue.
Sa susunod na linggo ay sampu pang barangay na na – apektuhan ng labanan ang isasalang sa clearing operations.
Sinabi ni Padilla na agad nilang itu – turn over ang mga barangay na ito sa lokal na pamahalaan at Task Force Bangon Marawi sa sandaling matiyak nila na puwede nang pabalikin o pasukin ito ng mga sibilyan.
Sa kabuuan aniya ay nasa 36 pang barangay ang kinakailangan nilang linisin at 24 dito ang nasa main battle area.
Nauna na nilang binuksan sa mga residente ang siyam na barangay.
Out of the 96, a total 96 barangays of the city, 41 were unaffected and the 36 that we have yet to clear will be the subject of the clearing operations until such time that we are convince that these can be open safely to returning residents.
The road to normal see is on his way, we are very fortunate that our engagements with the local government as well as the inter-agency task force is very, very good fruits.