Aarangkada na anumang araw mula ngayon ang rehabilitasyon sa Marawi City makaraang pormal na itong ideklarang malaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes, Oktubre 17.
Sa kabila ng pagbuhos ng ulan, pinangunahan pa rin ng Pangulo ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa main battle area na simbulo ng paglaya nito mula sa kamay ng ISIS inspired Maute Terror Group.
Ginawa ng Pangulo ang anunsyo, isang araw matapos na mapatay ng militar ang dalawang lider terorista na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.
Ang declaration ko for liberation of Marawi.
Ladies and gentlemen, I hereby declare Marawi City liberated from the terrorist influence that marks the beginning of the rehabilitation of the city.
Una rito, humingi ng tawad ang Pangulo sa mga Maranao dahil sa naging pagtatampo nito sa kanila nang hindi ipaalam sa mga awtoridad ang pagpasok doon ng grupo ni Isnilon Hapilon.
First of all, I apologize for the Maranao people.
‘Di ko malaman ‘yung mga opisyal ninyo kung alam nila o hindi, basta ang problema nalaman ko na lang na mabigat kasi umabot ng apat na buwan halos ang away.
Ilang taon ‘yang tunnel na ‘yan, wala man lang nakasabi sa akin na magbantay kayo dyan dahil may iniipon.
I will never… never… never again papayag ako na mag-ipon ng armas tapos gawin ‘yun, ‘di na mangyayari ‘yun.
Maglagay ako ng kampo, either we live together in peace, makisama kayo sa mga Pilipino o giyera tayo.
Kasunod nito, nangako ang Pangulo na bibigyan niya ng gantimpala ang mga sundalong nakipagbakbakan doon sa pamamagitan ng pagbabakasyon sa Hong Kong.
Ang problema ko… ang nasugatan ngayon, marami ‘yan.
I can guarantee you, sinasabi ko sainyo ngayon walang iwanan.