Malaki ang posibilidad na madeklara ngayong buwan na malinis o cleared na sa Maute group ang Marawi City.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa hearing ng Senate Special Committee on Marawi Rehabilitation.
Ayon kay Lorenzana, aabot sa 50 Bilyong Piso ang kailangan para sa rehabilitasyon ng lungsod kabilang ang pagpapatayo ng mga gusaling matinding napinsala ng bakbakan.
Samantala, inaalam pa ng kagawaran kung ang mga babaeng may hawak ng baril ay bihag ng Maute o pinahawak lamang ng baril at kaanak ng mga terorista.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
SMW: RPE