Nabawi na ng mga tropa ng gobyerno sa kamay ng ISIS-Maute ang Marawi City Police Station, tatlong buwan simula nang sumiklab ang bakbakan sa lungsod.
Ayon kay Col. Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Group Ranao, hindi naging madali ang pagbawi sa police station lalo’t nasa main battle area ito at isa sa mga unang kinubkob ng teroristang grupo.
Pawang mga miyembro ng Task Group Musang ng scout rangers, 51st Infantry Battalion ng Philippine Army at Joint Task Group ng PNP-Special Action Force ang sumalakay sa nasabing lugar.
Isang bangkay naman na pinaniniwalaang kay Senior Inspector Edwin Placido, Deputy Chief ng Marawi City Police, ang narekober sa loob ng istasyon.
Samantala, nasa 757 na ang patay sa tatlong buwang bakbakan kabilang ang 129 na mga sundalo’t pulis.
By Drew Nacino
SMW: RPE