Tinatayang nasa higit 70% nang tapos ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon sa pahayag ng Task Force Bangon Marawi (TFBM), ilan sa mga ilang imprastraktura sa siyudad ay papasinayaan na rin bukas, Mayo a-23.
Ito ay bilang bahagi ng ika-5 anibersaryo ng naganap na Marawi Siege noong May 2017 na nagbunsod sa pagkasira ng maraming establisyimento at kabahayan.
Samantala, inaasahang aakyat na sa 89% ang completion ng ginagawang rehabilitasyon sa Marawi sa ikatlaong kwarter ng taon sakaling matapos na ang sports, complex, convention center, Grand Pagadian Market at lahat ng barangay hall.