Aabot na sa mahigit 6,000 mga bakwit ang kailangang isailalim sa psycho-social intervention.
Ayon kay Marawi Crisis Management Committee Spokesperson Zia Alonto Adiong, ito’y dahil nakararamdam na ng sobrang kalungkutan at pagkabahala ang mga evacuee kaugnay sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Kasunod nito, humingi ng tulong si Adiong sa mga psychiatrist at psychologist para gabayan ang mga nakararanas ng depresyon na nasa evacuation centers.
Sa ngayon, nasa walong evacuees ang nakaranas ng severe post-traumatic stress disorder at nababahala ang lokal na pamahalaan na maaring madagdagan pa ang nasabing bilang kung hindi maagapan.