Malabong matapos ang krisis sa Marawi City bago ang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla Jr., kailangan pa nilang linisin ang tinatayang 600 gusali na inokupa ng Maute terrorists group.
Magugunitang nagtakda muli ng palugit na labing-limang (15) araw si Pangulong Duterte sa militar para tapusin ang Marawi siege.
Aalamin naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Duterte kung palalawigin pa o hindi Batas Militar sa buong Mindanao.
Pumapalo na sa mahigit limang daan (500) ang death toll sa Marawi, kabilang ang halos apat na raang (400) terorista, halos isang daang (100) miyembro ng security forces at apatnapu’t limang (45) sibilyan.
By Jelbert Perdez
Marawi crisis malabong matapos bago ang SONA ng Pangulo was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882