Tanging ang unang bahagi pa lamang ng misyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Marawi City ang nag-tagumpay.
Binigyang – diin ito ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla sa gitna na din ng katuwaan ng mga Pilipino sa liberasyon ng Marawi City.
Ipinabatid ni Padilla na kailangang ma-clear pa nila ang buong Marawi City mula sa booby traps, improvised explosive devices o IED’s at iba pang mga patibong na iniwan ng Maute Group.
Sinabi ni Padilla na kapag natapos na nila ng isandaang (100) clearing operations ay uubra nang ligtas na makabalik sa Marawi ang mga residenteng naapektuhan ng bakbakan.