Nakipag-diyalogo si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa mga evacuee mula sa Marawi City.
Ipinabatid ng mga evacuee kay Dureza ang kanilang concerns, depression at frustration sa pag-alis sa kanilang mga tahanan sa Marawi City.
Sinabi ng evacuees na hindi tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at pagod na anila sa pagkain ng sardinas at noodles sa nakalipas na halos dalawang buwan na.
Humihingi rin ang evacuees ng pinansyal na tulong para makabili sila ng gulay at masustansyang pagkain para sa kanilang mga anak.
Ang mainit ding panahon lalo na sa Iligan ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng mga matatanda at bata.
Nangako naman si Dureza na ipiaaabot kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo ang sitwasyon at titingnan ang programang nagbibigay ng cash assistance sa mga evacuee.
Pinayuhan pa ni Dureza ang mga bakwit na huwag mainip dahil kasado na ang bangon Marawi Project na tututok sa rehabilitasyon ng Marawi City.
By Judith Larino
Photo Credit: PTV