Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na aabot sa halos P37-M na pondo ang kanilang nailabas para gamitin sa rehabilitasyon ng Marawi City, dalawang taon matapos ang madugong Marawi siege.
Ito ang paliwanag ng NDRRMC taliwas sa lumabas na ulat ng Commission on Audit na nasa P10,000 lamang ang kanilang naipamahagi sa mga kaanak ng mga namatayan at nasugatan sa limang buwang bakbakan.
Ayon kay NDRRMC exec/dir. Ricardo Jalad, nito lang Mayo 30, aabot na sa P5.1-B na ang nagamit nilang pondo para sa rehabilitasyon at reconstruction sa Marawi City.
Umaabot naman sa P4.3-B na ang kanilang nailabas na pondo mula noong isang taon mula sa mahgit P30-B donasyon.
Kabilang na rito ang P10,000 tulong sa bawat isang namatayan at P5,000 naman bilang financial assistance sa mga sugatan.
Kasunod nito, tiniyak ni Jalad na maingat nilang naipamamahagi ang pondo at sinisiguro nilang nakararating ito sa mga apektadong indibiduwal.