Pinamamadali na ng Kamara sa Task Force Bangon Marawi ang pagsusumite ng master plan para sa itatayong permanent housing sa mga naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay House Committee on Housing and Urban Development Chairman Abee Benitez, ito ay upang mapag- aralan na ng Kongreso kung magkano ang ilalaan nilang pondo para sa proyektong pabahay.
Sinabi ni Benitez na target ng NHA o National Housing Authority na makalipat ang inisyal na 500 pamilya sa itatayong pabahay bago matapos ang taon.
Matatandaang sinimulang itayo ng pamahalaan nuong Setyembre ang mga transition house o temporary shelter sa Marawi City para sa libu- libong residente nito na nawalan ng tirahan.