Nanawagan si Marawi City Mayor Majul Gandamra sa mga mambabatas na iprioritize ang pagpasa sa Marawi compensation bill na makakatulong sa mga residenteng magbalik sa normal ang buhay.
Ayon kay Gandamra, mahigit 2,000 building permit na ang naaprubahan ng local government at halos 500 dito ay para sa pagpapatayo ng mga bahay.
Ipinabatid pa ni Gandamra na 72 mula sa 96 na barangay ang balik na sa normal ang buhay matapos ang Marawi Siege.
Kailangan aniyang linisin nila mula sa mga debris at iba pang posibleng hindi pumutok na kung anuman sa lugar at patuloy din ang reconstruction sa loob kasama ang mga kalsada, drainages at maging ang marami pang imprastruktura.