Nagpahiwatig ng agam-agam si Assemblyman Zia Alonto Adiong ng Marawi Crisis Management Committee sa pagpapalawig ng Martial Law hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Adiong, kinikilala nila ang kapangyarihan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Saligang Batas na magpatupad ng kaayusan at magdeklara ng Martial Law kung kailangan.
Gayunman, umaasa aniya sila na kung palalawigin man ang Martial Law, sana ay doblehin rin ng pamahalaan ang pagsisikap na maibalik sa normal ang buhay ng mga apektadong mamamayan lalo na sa Lanao del Norte.
Sinabi ni Adiong na batay sa tala ng pamahalaan, pumapalo na sa mahigit kalahating milyon ang evacuees mula sa Marawi at mga karatig bayan at syudad nito.
“Sana wala ring extension ang displacement ng mga tao kasi it’s going to be an additional burden not only on the local government but also on the national, sana hindi humantong na madagdagan pa, sana mabawasan at maibalik sa normal ang buhay ng ating mga kababayan.” Pahayag ni Adiong
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Marawi official may agam-agam sa Martial Law extension was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882