Posibleng ikunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi sa kaniyang gagawing deklarasyon hinggil sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ang ipinahiwatig ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod na rin ng rekomendsayon mismo ng ilang mga taga-Mindanao na siyang nakasaksi sa sitwasyon.
Pabor din aniya si Task Force Bangon Marawi Chairman Ed del Rosario sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao sa paniniwalang makatutulong ito para hindi mabalam ang mga proyektong ilalarga para sa muling pagbangon ng lungsod.
Nakatakdang mapaso sa Disyembre 31 ang unang extension na iginawad ng Kongreso hinggil sa Martial Law mula nang mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista noong Oktubre.
—-