Nangangalahati na ang ginagawang rehabilitasyon ng pamahalaan para sa muling pagbangon ng mga biktima ng karahasan sa Marawi City.
Ito ang ini-ulat ni bangon Marawi Task Force Chairman at department of Human Settlements and Urban Development Sec. Eduardo Del Rosario.
Muling bumisita si Del Rosario sa itinuturing na Islamic City sa bansa na pinadapa ng halos pitong buwang bakbakan sa pagitan ng militar at Maute Terrorist Group
Para kay Del Rosario, mabilis nang maituturing ang pag-usad ng rehabilitasyon ng marawi na naunsyami dahil sa ilang buwang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga nakumpleto na ay ang road network sa loob ng ground zero gayundin ang mga permanenteng pabahay para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan.