Tiniyak ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mangyayari sa Marawi City ang mabagal na rehabilitasyon sa Leyte na matinding napinsala ng Super typhoon Yolanda.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar , hindi nasiyahan ang Pangulo sa kanyang nakita sa kanyang pagbisita nuong sa Tacloban kung saan karamihan sa mga biktima ng bagyo ay wala pa ring tirahan.
Ipinagmalaki din ni Andanar na napaka aktibo ngayon ng task force Bangon Marawi para mapabilis ang progreso ng muling pagbangon ng nasabing lungsod.
Target aniya ng pamahalaan na makapagpatayo ng hindi bababa sa dalawandaang kabahayan bago matapos ang taon.