Maliit ang posibilidad na makapasok sa bansa ang Marburg virus.
Ito ang tiniyak ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire matapos mapaulat na mayroong dalawang nasawi sa bansang Ghana dahil sa nasabing virus.
Ipinaliwanag ni Vergeire na ang naturang sakit ay endemic o matatagpuan lamang sa ibang kontinente, gaya ng Africa.
Gayunman, dapat pa rin anyang maging handa gaya ng DOH mula nang makatanggap ng ulat sa international health regulations process.
Ang dalawang kaso ng marburg na halos katulad ng ebola ay natukoy sa ghana kung saan walang gamot o bakuna para rito.
Kasama sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat at internal o external bleeding.