Tuluyan ng nagwakas ang outbreak ng Marburg virus sa bansang Guinea.
Ayon sa World Health Organization, wala ng ibang na-detect na kaso simula noong Agosto makaraang ma-contain ang virus na nagreresulta sa Hemorrhaghic fever.
Magugunitang namatay ang isang lalaki sa nabanggit na sakit noong Agosto 9 at na-detect lamang ang virus isang linggo matapos itong bawian ng buhay.
Walang lunas o bakuna laban sa marburg, na kabilang sa filovirus family tulad ng Ebola, pero hindi gaanong nakamamatay.
Ilan sa sintomas nito ang mataas na lagnat, internal at external bleeding.—sa panulat ni Drew Nacino