Out na muna sa NBA si Memphis Grizzlies center Marc Gasol.
Ito’y matapos lumabas sa MRI exam nito na nakitaan ng fracture ang kanang paa nito.
Ayon sa Grizzlies may nabaling buto sa paa ni Gasol kaya’t kailangan anilang mamahinga ito ng ilang buwan.
Si Gasol ay may average na puntos na 16.6 at 7 rebounds sa 52 laban ng Grizzlies.
Matatandaang sa unang quarter pa lamang ng laban noong Linggo ng Grizzlies kontra sa Portland Blazers ay bigla na lamang nawala sa eksena si Gasol na meron na palang iniindang injury.
Kasalukuyang nasa ikalimang puwesto ang Grizzlies sa Western Conference ng NBA.
By Ralph Obina