Magbabalik na sa Gilas Pilipinas ang dating National Team Player na si Marc Pingris pero hindi para maglaro kundi magsilbing Assistant Coach.
Ito ang kinumpirma ni samahang Basketbol ng Pilipinas Deputy Executive Director Butch Antonio bilang preparasyon sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa katapusan ng Pebrero.
Kamakailan ay itinalaga rin si Pingris bilang Commissioner ng bagong tatag na Pilipinas Super League.
Naging bahagi ng gilas ang tinaguriang ‘Pinoy Sakuragi’ at malaki ang naging papel upang masungkit ng Philippine National Team ang 2013 fiba asia championships at 2014 Fiba World Cup Ticket. – sa panulat ni Mara Valle