Pasok na sa finals ng America’s Got Talent (AGT) Champions si Marcelino Pomoy.
Si Pomoy ay pinili ng AGT Superfans bilang ikatlong act na tutuloy sa finals ng nasabing talent show matapos kantahin ang Time to Say Goodbye ni Andfrea Bocelli.
Nagkakaisa naman ang mga hurado sa nasabing show na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Alesha Dixon at Jhowie Mandel na kakaiba ang talento ng 35-anyos na Pinoy singer at talagang excited silang makita ang performance nito sa semifinals.
Si Pomoy ay idineklarang AGT Champions finalist sa pamamagitan ng bagong voting system ng AGT Superfans na kumakatawan sa 50 estado ng Amerika.