Isinusulong ng isang mambabatas ang pagdedeklara sa March 28 bilang President Rodrigo Duterte Day.
Sa ilalim ng House Bill Number 5377 ni San Jose del Monte City Rep. Florida Robes, ipinanukala niya na ideklara ang araw ng kaarawan ni Duterte na maging isang special non-working holiday na aniya’y “Rising Southeast Asian Strongman Leader.”
Binigyang-diin ni Robes na ang kaarawan ng Pangulo ay maituturing na araw ng pag-asa at inspirasyon sa sambayanan.
Nakasaad pa sa naturang panukala ang pagtatalaga sa mga kabataan lalo na ang mga military cadets at mga boy at girl scouts na ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan, pride at kagalingan sa pakikipagtulungan sa gobyerno para maging isang Southeast Asian powerhouse ang Pilipinas.
By Meann Tanbio
*AP Photo