Sagasaan ang dapat sagasaan.
Ito umano ang naging marching order ni incoming president Rodrigo Duterte kay Police Chief Supt. Ronald dela Rosa sa nakatakda nitong pag-upo bilang susunod na hepe ng pambansang pulisya.
Ayon kay dela Rosa, hindi siya magdadalawang isip na sagasaan ang mga drug lord at kahit na sinong haharang sa kanyang ipatutupad na kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.
Bagamat hindi pabor si dela Rosa sa summary killings, tahasan naman nitong sinabi na papatay siya kung isyu na ng droga ang pinag-uusapan.
Malinaw aniya ang direktiba sa kanya ni Duterte ukol sa droga, dapat ay forward march o abante lang at walang atrasan sinuman ang masagasaan.
Giit pa ni dela Rosa, hindi siya nananakot sa mga drug syndicate kundi pinapakita lamang niya na seryoso ang susunod na administrasyon sa pagsugpo sa iligal na droga sa bansa.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)