Aminado ang aktor na si Marco Gumabao na siya ay nakaramdam ng kaba sa kaniyang paghu-host sa preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2022 na ginanap kagabi sa the cove ng Okada Manila sa Parañaque City.
Ayon kay Marco, kahit naranasan na niyang mag-host ng local beauty pageants at movie awards night ay iba ang excitement na kaniyang naramdaman nang siya ay sumampa na sa entablado.
Sinabi ni Marco na first time niyang mag-host ng isang malaking event kung saan, marami ang nanood.
Pinasalamatan naman ni Marco ang mga staff at lahat ng bumubuo ng Miss Universe Philippines sa pagkakataon na ibinigay para sakaniya. —sa panulat ni Angelica Doctolero