Itinulak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pilipinas bilang bansa sa Asya na may pinakamabilis na paglago sa ekonomiya ayon sa inilabas na statement ng Department of Finance (DOF).
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, sa kabila ng iba’t ibang hamon gaya ng mataas na inflation, mabagal na paglago ng pandaigdigang ekonomiya, trade restrictions, at geopolitical tensions, nananatili ang bansa bilang isa sa brightest spots sa rehiyon.
Matatandaang lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.5% sa unang tatlong quarter ng taon.
Makikitang ang Pilipinas ang may pinakamabilis na paglago kumpara sa major economies ng China (5.2%), Indonesia (5.1%), Vietnam (4.2%), Malaysia (3.9%), Thailand (2%), at Singapore (0.5%).