Nananatili ang commitment ng Marcos administration upang mapaangat ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga irrigation project.
Ito’y matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang iba’t ibang programa kaugnay sa irigasyon sa Central Luzon, Nueva Ecija.
Ayon kay PBBM, patuloy ang effort ng pamahalaan upang mapaangat ang sektor ng agrikultura partikular ang pagpaparami ng rice production sa Nueva Ecija na pangunahing pinagkukunan ng bigas ng buong bansa.
Patunay anya ito sa commitment ng kanyang administrasyon para ma-develop ang modern infrastructure system ng magpapaganda ng sektor ng agrikultura.
Sa oras na matapos ang pinasinayaang Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project, magbibigay ito anya ng patubig sa halos isang libong ektartang sakahan sa naturang lalawigan at makikinabang ang mahigit limandaang magsasaka.