Ibinida ng Malakanyang na target ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibaba sa 10% ang target-listed drug personalities sa bansa sa pagtatapos ng termino nito sa June 2028.
Ginawa ng Presidential Communications Office o PCO ang pahayag sa gitna ng bagong pamamaraan ng pamahalaan sa pagsugpo ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtutok sa rehabilitation, reintegration, at preventive education program approach sa hanay ng mga kabataan.
Maliban sa 10% reduction sa listahan ng mga target drug personalities, kung saan nais din ni pangulong Marcos na maitatag ang Community-based Drug Rehabilitation Program at Anti-Drug Abuse Council sa lahat ng mga lalawigan, siyudad, bayan hanggang sa mga barangay.
Sinasabing target din ng admnistrasyon na makamit ang 1:1 ratio ng established treatment and rehabilitation facility per province pagdating ng 2028.
Kasabay nito, iniulat naman ng palasyo na 2023 ay nasa may ₱10.41-B na mga iligal na droga ang nakumpiska kung saan 56,495 drug suspects ang nadakip sa ikinasang 44,000 anti-illegal drug operations sa buong kapuluan. - sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)