“The culture is the shared consciousness of the Filipino and it is the answer to the question what is it to be Filipino.”
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa idinaos na 16th Ani ng Dangal awarding ceremony noong February 20.
Dahil dito, patuloy na pinagsisikapan ni Pangulong Marcos ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
Sa katunayan, kamakailan lang inorganisa ng pamahalaan ang pagbisita ng mga ambassador na nakatalaga sa Pilipinas sa most historic homes ng bansa.
Sa paraang ito, naibida na ang kulturang Pinoy, lumakas pa ang diplomatic ties ng Pilipinas sa ibang bansa.
Malugod na tinanggap ang mga diplomat sa Goldenberg Mansion, isang dating Presidential guest house. Katabi ito ng Teus Mansion, isang 19th-century home na kasalukuyang kinalalagyan ng Presidential Museum at nagsisilbing treasure trove ng Philippine history.
Inilibot sa iba’t ibang exhibits ang mga ambassador, kabilang na ang evolution sa leadership ng bansa.
Itinuloy ang tour sa Bahay Ugnayan kung saan makikita ang “Road to Malacañang”, isang exhibit na nagtatampok sa buhay ni Pangulong Marcos mula pagkabata hanggang sa pagiging pinuno ng Pilipinas.
Bukas para sa publiko ang tatlong historic homes nang libre.
Mayroon ding surprise visit ang mga ambassador sa newly-restored Laperal Mansion. Magsisilbi ito bilang official presidential guest house para sa mga pinuno ng ibang bansa.
Sumasalamin ang Laperal Mansion sa hospitality ng mga Pilipino at sa pagnanais ni Pangulong Marcos na palakasin at palawakin ang ugnayan ng Pilipinas sa mga kasosyo nito sa international community.