Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na sisikapin ng kaniyang administrasyon na mapanatili ang mababang presyo ng produktong petrolyo ngayong holiday season.
Matatandaang nagpatupad ng tapyas-presyo ang ilang kumpaniya ng langis at posible pa itong magpatuloy bago matapos ang taong 2022.
Ayon sa Department of Energy (DOE), magpapatuloy ang rollback sa presyo ng langis pero posibleng magkaroon ng pagtaas ng presyo sa liquefied petroleum gas o lpg sa susunod na buwan.
Sa kabila nito, umaasa ang pangulo na magkakaroon ng price adjustments sa petrolyo, ngayong nalalapit na ang pasko.