Inihayag ng Department of Health (DOH) na wala pang itinatalaga ang administrasyong Marcos na uupo bilang Officer-In-Charge ng kagawaran.
Ayon sa DOH, naghihintay pa rin sila ng abiso mula sa executive secretary pagkatapos ng transition ng bagong administrasyon.
Sa ngayon, dalawang pangalan naman ang napipisil bilang susunod na DOH Chief, kabilang na rito sina National Task Force (NTF) against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa at Dr. Edsel Salvaña ng Health Technology Advisory group.