Bukas si Senator Bongbong Marcos na maglingkod bilang miyembro ng gabinete ni President-elect Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng naging pulong ng dalawa sa isang bar sa Davao City na inabot pa ng madaling araw kanina.
Ayon kay Marcos, isang malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng Duterte administration.
Ikinatuwa nya ang naging pahayag ni Duterte na hindi nito bibigyan ng pwesto si Vice President-elect Leni Robredo dahil iniisip nito ang kanyang mararamdaman.
Ngunit binigyang diin ni Marcos na prerogative ito ni Duterte at wala syang kinalaman dito.
By Rianne Briones