Gagamiting sandata umano laban kay Senador Bongbong Marcos ang iniharap na kasong plunder laban sa kanya para idiskaril ang lumalakas niyang kandidatura sa pagka-bise presidente.
Ayon kay Marcos, panibagong pamamaraan ito para harangin ang kanyang vice presidential bid ngayong nalalapit na ang May 9 elections.
Isa rin, aniya, itong patunay na umiiral ang selective justice sa ilalim ng Aquino administration kung saan agad na nakakasuhan kapag hindi kaalyado.
Pero kapag kaalyado, kahit pa maliwanag na sangkot sa katiwalian, walang aksyon ang pamahalaan.
Sinabi rin ni Marcos, lumang isyu ang pinagbatayan ng kasong plunder na isinampa sa kanya sa Ombudsman.
By Avee Devierte | Cely Bueno (Patrol 19)